(KAHIRAPAN)
"PAGYABUNGIN AT PALAGUIN ANG ATING BAYAN"
Bakit kaya ang mga tao ang pag-asa ng bayan?bakit kaya hindi nila
pinagpatuloy ang kanilang pag-aaral?bakit marunong na silang magnakaw,pumapatay
ng kapwa tao,nagpapakalimos,nagsusugal at iba pa?bakit kaya ang mga tao,hindi
na marunong rumespito sa mga nakakatanda? dito sa mundo marami ng mga kabataan
na marunong ng magnakaw dahil sa kawalan ng pera ng kanilang mga
magulang.Marami na ding nagugutom natutulog kahit saan,nakikilimos,nagsusugal
nawawalan ng tubig at iba pa.Dahil sa kanilang paghihirap marami ng
namamatay,nawawalan ng tubig,kumukuha ng mga bagay na hindi sa kanila.
Batay sa aking nabasa o narinig,marami daw mga kabataan na hindi na
marunong rumespito sa mga nakakatanda.At iba naman ay hindi na marunong
mag-linis sa kanilang bahay,palagi lang naglalaro ng mga bagay na hindi naman
importante. Sa ating pang-araw-araw na pananaw,dapat na lahat ng mga tao dito
sa mundo ay marunong ng rumespito.Dahil sa Respito diyan tayo natutong
magmahalan sa kapwa tao ,magbigayan at iba pa.Dapat din nating mahalin ang
ating mga magulang dahil sa kanila,nabubuhay tayo dito sa mundo dahil sa
kanilang pag-aaruga,pagpapakain sa atin at pag-aalaga sa atin.Hindi tayo
pinabayaan ng ating panginoon,hindi tayo kinukuha ng ating panginoon ng
maagahan.Marami pa tayong nga misyon na tatahakin o aabutin.Kahit hindi tayo
maruno sa klase dapat natin tapusin ang ating pag-aaral dahil marami pa tayong
ambisyon o pangarap na aabutin.At dapat din natin.
Tulungan ang ating mga magulang dahil sa kanila hindi sila nawawalan
ng pag-asa.hindi tayo pinabayaan,pinapaaral tayo para lang tuparin ang ating
mga pangarap huwag nating abusuhin ang ating pag-aaral huwag tayo mawalan ng
pag-asa.
Para sa mga kabataan dapat
natin respituhin ang ating lipunan.May pagkakataon ring mag-bago at dapat
nating pagyabungin ang ating bansa para wala ng makikitang mahirap dito sa
ating bayan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento